Kisses, Donny bibida sa iWant original series

KISSES DELAVIN AT DONNY PANGILINAN

NAPAIYAK ang batang aktor na si JJ Quilantang o mas kilala ngayon bilang si Robin sa seryeng PlayHouse nang tanungin sa finale mediacon kung ano ang pakiramdam ngayong magtatapos na ang programa nila.

“Mami-miss ko po sila. Miss ko po talaga sila, wala na po akong makikitang momshie (Angelica Panganiban),” sagot ng bagets sabay tulo ng kanyang luha.

Sinubukang magpatawa ni Zanjoe Marudo para tumawa si JJ pero patuloy pa rin itong umiyak pero makalipas ang ilang saglit ay napangiti na rin siya.

Maging ang assistant director ng PlayHouse ay naluluha na rin kaya naging emosyonal na ang lahat ng cast ng serye.

Masayang-masaya naman si Kisses Delavin dahil napasama siya sa serye, “Ito po kasi ang first teleserye ko kaya hindi ko po alam kung ano ang mangyayari kapag magtatapos na. Pero ito pala ‘yun, same with kuya Z (Zanjoe), hindi pa nagsi-sink in sa akin pero nalulungkot po ako kapag nakikita ko sina JJ at ate Angge na umiiyak. Kasi naging family na amg feeling ko sila.”

“Sobrang thankful po ako sa GMO (at iba pang staff) for guiding not just me and Kisses for my first teleserye ever. Hindi lang ‘yung mga nakikita ninyo dito it also behind the cameras sobrang naging close kaming lahat, mga camera crew lahat. Magiging isang part ito ng buhay ko na hindi ko makakalimutan,” ang sabi naman ni Donny Pangilinan.

Anyway, simula nang umere ang PlayHouse ay napanatili nito ang mataas na ratings game sa national TV ratings at humataw sa all-time high rating na 20.5%. Pinag-uusapan din ng netizens ang tagpo sa serye sa araw-araw nitong pangunguna sa trending topics sa social media.

Samantala, may spin off na pinamagatang “ZEKEling Maging SHIELA,” isang iWant original series tampok ang love team nina Donny Pangilinan at Kisses Delavin na patuloy na umaani ng views mula nang ilunsad ito sa ABS-CBN streaming service.

Siguradong magse-celebrate ang DonKiss supporters dahil hindi pa tapos ang PlayHouse ay may bago na silang proyekto. Ibig sabihin lang nito, talagang mainit na mainit pa rin ang pagtanggap ng fans sa kanila.

Sabi nga ni Kisses, very thankful sila ni Donny sa kani-kanilang fandom na all-out pa rin ang support sa kanila.

Napapanood pa rin ang PlayHouse tuwing umaga sa ABS-CBN at sa ABS-CBN HD.

Read more...