Kathryn sa pagtatambal nila ni Alden: Kinakabahan ako, super!


NGAYON pa lang ay super excited na sina Alden Richards at Kathryn Bernardo sa gagawin nilang pelikula na ididirek ni Cathy Garcia-Molina under Star Cinema.

Bakit tinanggap ng Pambansang Bae ang nasabing proyekto? “Siyempre, first time kong makakatrabaho si Kat in a big project. We’ve been seeing each other na rin a couple of times kasi we’ve shared a common endorsement, so nagkikita kami ‘yung mga past event.

“This is the first time that I’ll be working with her so it’s a great honor and experience kasi I’m really on the stage of exploring the craft and my capability as an actor,” aniya pa.

Ayon naman kay Kath, “Kung tatanungin ninyo ako kung kinakabahan ako, yes super! Pero it’s a good thing. Nae-excite ako kung anong mangyayari dito, kung paano kaming dalawa. Hindi ko talaga alam kung anong mararamdaman pero for sure I’m very happy. Ang laking adjustment nito hindi lang para sa akin, kung hindi para na rin kay Alden.”

Dagdag pa ni Alden, “It’s a great honor and experience kasi I’m really in that stage of exploring the craft and my capability as an actor,”

“To be directed by someone who made that film, sobrang fan po kasi ko nu’ng John Lloyd (Cruz) and Bea (Alonzo), parang total package na po, wala na akong hihingilin, sobrang saya ko po na nabigyan ako ng chance,” say pa ni Alden.

Read more...