Matapos ang rape slay sa isang Grade 9, DepEd: Practice sa school hanggang 5pm lang

MULING iginiit ng Department of Education-Cebu na dapat ay hanggang alas-5 ng hapon lamang ang practice at iba pang gawain ng mga estudyante sa paaralan upang makauwi ng maaga ang mga ito.

Inilabas ng DepEd ang paalala matapos na matagpuang patay ang isang Grade 9 sa bakanteng lote sa Lapu-Lapu City, Cebu kahapon. Pinaniniwalaang ginahasa ang babae na tinanggalan ng balat ang mukha.

Ang estudyante ay hindi na nakauwi sa kanilang bahay matapos magsilbi bilang tithe collector sa simbahan noong Linggo.

“DepEd Schools Division Office of Lapu-Lapu City already issued a memorandum reminding all public and private elementary and secondary schools to strengthen their existing rules and policies on school safety.”

Kasama sa paalala ng DepEd ang paghikayat sa mga estudyante na magbaon upang hindi na lumabas para bumili ng pagkain.

Dapat din umanong maglagay ng mga CCTV camera at kung maaari ay dagdagan ang mga pulis at tanod sa paligid ng paaralan.

Makatutulong din umano kung maglalakad ng magkakagrupo lalo na sa mga madidilim na lugar.

“As the Department calls on the local government unit and the police to swiftly bring to justice the cold-blooded criminals, it likewise enjoins the public in the shared responsibility of protecting children from all forms of abuse, violence, exploitation, and threat.”

Read more...