Aicelle Santos hands-on sa kasal nila ni Mark Zambrano

AICELLE SANTOS AT MARK ZAMBRANO

AFTER one year ng pananatili niya sa Europe para sa “Miss Saigon” tour (bilang Gigi), pagtutuunan na ni Aicelle Santos ang preparation sa kasal nila ng Kapuso news correspondent na si Mark Zambrano.

Sobrang na-miss ni Aicelle ang Pinas kaya bumabawi raw siya sa kanyang boyfriend, sa pamilya at mga kaibigan. Bukod dito, talagang na-miss din niya ang pagkaing Pinoy.

“Sabi ko nga, pagkatapos nito diretso kami sa pagkain ng crispy pata,” ani Aicelle.

Ngayong taon na magaganap ang kasal nila ni Mark at gusto niyang maging hands-on sa wedding preparations.

Read more...