JM: Nakita ko mabigat na ‘yung aura ni Chokie

JM DE GUZMAN

NAGKUWENTO si JM de Guzman tungkol sa pagkamatay ni Chokoleit na nakasama niya sa kanilang concert sa Abra.

“Nu’ng dumating siya, parang medyo mabigat na ‘yung aura niya. Parang may dinadala, not his usual self na parang jolly. So inisip ko baka pagod lang,” ani JM sa isang panayam.

“Malaki ‘yung stage. In-effort niya na ma-ignite ‘yung audience. Naririnig namin ‘yung sigawan ng mga tao. He was doing his very best,” paglalarawan pa niya kay Chokoleit.

“Positive pa ako nu’n na baka fatigue lang or whatever. Tapos pumunta na sina Miss Pops (Fernandez), si Coleen (Garcia). After nu’ng performance ko, pagbabang-pagbaba ko ng stage, medyo tahimik nga.

Pagpasok ko sa van, binalita na sa akin ng road manager ko na hindi na siya na-revive.

“I feel down pero at the same time, I know he’s in a happy place. Marami siyang napasayang tao, isa na rin ako doon,” aniya.

Read more...