POSIBLENG makapagtala ng bagong rekord ng pinakamababang lebel ng tubig sa La Mesa dam.
Ngayong umaga ay bumaba na sa 68.93 metro ang lebel ng tubig sa La Mesa dam. Bumaba ito ng 0.09 metro kumpara sa 69.02 metro noong Linggo ng umaga.
Ang normal high water level ng La Mesa dam ay 80.15 metro.
Ang pinakamababang lebel ng dam na ito ay 68.75 metro na naitala noong 1998.
Dahil wala pang inaasahang pag-ulan, posibleng magpatuloy sa pagbaba ang tubig ng dam.
Noong Marso 2017 ang lebel ng La Mesa dam ay 79 metro at noong Marso 2018 ay 76 metro.
Nakararanas ang bansa ng El Nino phenomenon kaya konti ang ulan sa malaking bahagi ng bansa.
MOST READ
LATEST STORIES