ISANG StarStruck winner ang pinuri ni 2015 Miss Universe Pia Wurtzbach at sinabing puwedeng-pwede itong maging beauty queen.
Matapos niyang sabihan si Reina Hispanoamericana 2017 Winwyn Marquez na taglay nito ang mga qualities bilang next Miss Universe, binigyan din niya ng basbas ang StarStruck Season 6 Ultimate Female Survivor na si Klea Pineda matapos tawaging na future queen.
Nag-post kasi si Pia ng litrato sa Instagram kung saan kasama niya sina former Miss Universe-Philippines Maxine Medina at Ariella Arida.
Nilagyan niya ito ng caption na, “Future queen @kleapineda look at that face!”
Agad naman itong ni-repost ni Klea at sinabing, “The Dream!” Noon pa sinasabi ng Kapuso actress na pangarap niya talaga ang mag-join sa mga beauty contest at dream niya noon pang bata ang magkaroon ng Miss Universe Philippines crown.
At mukhang desidido na nga si Klea na karirin ang pagte-training para sa pagpasok niya sa mundo ng beauty pageant. In fairness, may edge na agad siya sa kanyang mga kalaban dahil mismong si Pia na ang nagbigay sa kanyang ng blessing.