NAG-REACT na ang manager ni Maine Mendoza na si Rams Something sa kumakalat na chikang lalayasan na ng dalaga ang noontime show ng GMA 7 at lilipat na ito sa Dos.
“SCOOP: There are unconfirmed reports that Maine Mendoza is being let go by her current management and Eat Bulaga. Will she be transferring to ABS-CBN soon to be with Arjo Atayde? Soon we will know the answer!”
‘Yan ang nakakalokang post sa Twitter account na Entertainment Uptake.
Halatang fake news naman ito. Nagpapahinga lang si Maine kaya hindi siya nakikita sa noontime show.
“Kesyo Suspended, Tinanggal at Lumipat. Wala pong totoo kahit ano po dyan. #lovelivelove mga Beshie,” sagot ni Rams.
Pero ang fans ni Maine, suportado ang dalaga kahit saan mang network ito mapunta at puring-puri nila ang ABS-CBN sa pag-handle ng mga artista nila.
“KAHIT SAN PA NETWORK MAPADPAD ANG MENGGAY NAMAINE SYEMPRE I WILL FOLLOW MY ULTIMATE IDOL. ANG BABAENG MAY BALLS, ANG TUNAY NA HERO: WONDER WOMAINE.”
“Best NEWS EVER! mas magaling mag alaga ang ABS ng mga artists nila! Hindi nila ito hinayaaang lait laitin at sisiraan na kung sinong mga feeling entitled! Look at the artists of ABS, puro mga sikat at magagaling!”