Dawn Chang na-in love kay Justin Cuyugan


SOBRANG thankful ang Pinoy Big Brother 737 (2015) ex-housemate na si Dawn Chang kay direk Alex Calleja at kina Mother Lily at Roselle Monteverde dahil napasama siya sa pelikulang “Papa Pogi” na una niyang mainstream movie.

“First ever movie kasi the previous movie that I shoot was an indie, ‘72 Hours.’ It was very small role lang po, ito ‘yung kay Jolo Revilla,” say ni Dawn.

Sa mediacon ng “Papa Pogi” na pinagbibidahan ni Teddy Corpuz ay nabanggit ng isa sa mga leading lady na si Myrtle Sarroza na inatake rin siya ng depresyon dahil bilang big winner sa PBB Teen Edition 4 (2012) ay mangilan-ngilan lang ang projects niya kumpara sa ibang big winners tulad nina Kim Chiu, Ejay Falcon at James Reid.

Kaya natanong si Dawn kung nakaranas din siya ng depresyon tulad ni Myrtle, “Hindi naman po ako big winner, 4th big placer lang po ako and so far consistent naman ‘yung work ko kaya I’m very thankful, very grateful and very happy,” katwiran ng dalaga.

Gagampanan ni Dawn sa “Papa Pogi” ang karakter bilang asawa ng komedyanteng si Nonong Ballinan na mahal na mahal niya sa istorya.

Kaya natanong kung nangyari na ito sa tunay na buhay kung saan mas in love siya sa partner niya, “Opo, feeling ko. Kasi may ex ako na kahit anong gawin ko, ibinigay ko na lahat ng chances pero lagi siyang may ibang kalambingan. Hindi ko alam kung ako o siya ang may problema. Non-showbiz po,” kuwento ng miyembro ng Girltrends.

At dahil dito ay natanong si Dawn kung ano ba ang totoong nangyari sa kanila ni Aaron Villaflor. Inamin kasi noon ng aktor na “almost” naging sila at nagtatawagan na nga ng “Baby Love.”

“E, kasi I tried naman na maka-world (pareho ang gusto) ‘yung ka-relationship ko, e, it’s very difficult lalo na kapag nag-aaway kayo. Ako I can work kahit under pressure kahit magkaaway kami ng dyowa ko, I can do that pero may mga taong hindi kaya, ‘yun ang mahirap para sa akin,” panimulang kuwento ng dalaga.

Sa madaling salita si Aaron ang hindi masyadong makapagtrabaho kapag hindi sila okay ni Dawn, “Mabait si Aaron, it’s just that may mga bagay na malalaman mo naman ‘yun as you go the friendship, mas mabuting we stayed as friends,” katwiran ng aktres.

Alam ba ng dalaga na broken hearted si Aaron sa kanya? “Na-hurt ba siya? Hindi ko alam kasi nu’ng naging kami ni Justin (Cuyugan), he’s very supportive, sabi niya happy siya for me. Aat sinabi ko rin na happy din ako for him. Actually, nu’ng ABS-CBN Ball, nilapitan niya ako at sinabi niya na he’s very happy for me.

“Naiinggit daw siya sa akin at sana one day daw ay maging happy din siya. Sabi ko sa kanya, ‘One day you’ll be happy basta magpakabait ka,” kuwento ng aktres.

Ibig sabihin hindi mabait si Aaron? “Ha-hahaha! Mabait siya pero you know for you to get into relationship, you have to be consistent, kailangan maging mabait ka sa partner mo. Mabait si Aaron, pero may naughty side ‘yan but he’s very, very nice person. Naughty siya saka friendly siya,” natatawang sabi ni Dawn.

So, hindi puwedeng pagkatiwalaan ang aktor pagdating sa girls, kasi ginamit niya ang terminong “naughty”? “Hindi naman, friendly kasi siya sa lahat, babae at lalaki, marami akong nakilalang celebrity friends because of him,” paliwanag ni Dawn.

Hindi raw kasi mahilig sa mga party o gimmick si Dawn, hindi rin siya umiinom, samantalang si Aaron ay mahilig lumabas bagay na hindi masyadong gusto ng dalaga.

Ano naman ang nagustuhan niya kay Justin, “Sinabi ko kay Aaron si Justin. Actually nanliligaw pa lang si Justin, halos sabay sila ni Aaron. Justin naman respects ‘yung tandem namin ni Aaron and I made it clear to Justin na may tandem (loveteam) kami and he was fine with it. Sabi niya, gusto lang niyang makipagkaibigan sa akin at si Aaron naman, it wasn’t very clear kung ano kami.

“Maarte kasi akong babae ganito lang itsura ko, pa-sexy at liberated but I’m very serious when it comes to relationship, ayoko ng pang-showbiz na relasyon.

“Gusto ko kapag niligawan ako, liligawan ka nang maayos, ayoko nang pinapasundo ako sa driver, ayoko ng pinapadalhan ako ng pagkain through driver or PA (personal assistant). E, si Justin kasi super effort, lahat ng hindi ginawa ng ibang lalaki sa akin ginawa niya, kaya siya ang pinili ko,” kuwento ni Dawn.

Samantala, mapapanood na ang “Papa Pogi” sa Marso 20 kasama rin dito sina Donna Cariaga, Lassy Marquez, Joey Marquez at marami pang iba mula sa Regal Entertanment.

Read more...