Tubig sa La Mesa dam nasa critical level na

HALOS nasa critical level ang tubig sa La Mesa dam ngayong umaga dahil sa kakulangan ng ulan.

Pero maliit na bahagi lamang umano ng Metro Manila ang maaapektuhan nito dahil ang malaking bahagi ng suplay ng tubig nito ay nanggagaling sa Angat Dam.

Kaninang umaga ang lebel ng tubig sa La Mesa dam ay 69.02 metro, ang critical level nito ay 69 metro. Noong Sabado ng umaga ang lebel nito ay 69.10 o pagbabang 0.08 sa loob ng 24 oras.

Ang tubig naman sa Angat dam ay 200.97 metro. Ang low water level nito ay 180 metro. Noong Sabado ng umaga ang lebel nito ay 201.27 metro.

Ayon sa Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration nakakaapekto sa bansa ang El Nino phenomenon kay konti ang ulang bumubuhos sa bansa.

Binawasan na ang pressure ng tubig sa maraming lugar upang maiwasan ang pagkasayang ng tubig at hindi magkaroon ng kakapusan sa suplay.

Read more...