Angelica may bagong kaaway: Hindi kita kapamilya o kaibigan pero kahit minsan hindi kita binastos!

SINO na naman kaya ang kaaway ngayon ni Angelica Panganiban?

May isang nagngangalang “Margaux” na tinalakan ng Kapamilya actress sa pamamagitan ng kanyang Instagram Story nitong weekend.

Walang diretsong tinukoy ang “huguterang” dalaga kung bakit siya galit na galit sa nasabing babae pero mukhang may kinalaman na naman ito sa kanyang dating karelasyon.

Matapang na sabi ni Angelica kay “Margaux”, “Hindi natin dapat hinihila pababa ang isa’t isa. Wag kang manakit ng tao. Lalo na at wala akong ibang pinakita sa inyo kung hindi kabutihan. Lalo na sayo.

“Hindi kita kapamilya, o kaibigan, pero kahit minsan, hindi kita binastos, o kahit na sino sa inyong nagmamahal sa kanya,” aniya pa.

Kahit walang binanggit si Angelica na pangalan, ang feeling ng kanyang nga followers ang tinutukoy niya ay ang dati niyang boyfriend na si Carlo Aquino.

Ilang netizens ng nagpayo sa mga fans ng aktres na si Angelica ang kanilang suportahan at huwag si Carlo. Grabe raw kasi ang mga ipinakaing salita ni “Margaux” sa dalaga kaya talagang na-bad trip si Angelica.

Isang follower naman ng aktres ang nagsabi na ang tinutukoy na

“Margaux” sa isyung ito ay dating fan umano ni Carlo, na eventually ay naging kaibigan na rin daw ng aktor.

Bukas ang pahinang ito para sa paliwanag ng mga taong nabanggit.

Read more...