TILA may premonisyon at paramdam na ang komedyanteng si Chokoleit bago siya pumanaw.
Hirap na raw magsalita ang stand-up comedian at hinahabol ang hininga habang nagpe-perform sa “Variety Show” nitong Sabado ng gabi, sa Abra Sports Complex, Bangued, Abra.
Ito ay ayon na rin kay Carl Guevarra, member ng grupong The Juans na nakasama ni Chokokeit sa nasabing event.
“Unbelievable. Chokoleit performed right after our set and we witnessed how he struggled through the entire performance. The ambulance rushed him to the hospital in Vigan but now we were informed he didnt make it and passed away. We are all in shock. Prayers to all his loved ones. RIP,” aniya sa kanyang Faceboom post.
Dugtong pa niya, “Chokoleit’s last words are chilling. Still can’t believe how life just passes by. Hope this helps us appreciate life and our loved ones. RIP.”
Bukod sa The Juans, nakasama rin sa “Variety Show” sina Coleen Garcia, Enchong Dee, Paulo Avelino, JM de Guzman, Ryza Cenon at Pops Fernandez, base na rin sa poster na ginamit sa promo nito.
Nag-post din si Carl ng isang video kung saan mapapanood ang stand-up performance ni Chokoleit na aniya’y parang pagpaparamdan na rin ng komedyante sa kanyang pagpanaw.
“Mas masarap palang ang performer nakakarinig agad ng masigabong palakpakan para ganahan ang performer! Ganun! Ganyan! Totoo ‘yan, malaking bagay ang palakpak. Nakakaganang magtrabaho pag may palakpak,” simulang sabi ni Chokie.
Kitang-kita sa video na hindi na maganda ang pakiramdam ni Chokokeit habang nagsasalita pero itinuloy pa rin niya ang kanyang segment.
“Subukan n’yo ring gawin ‘yan sa mga kasamahan ninyo sa trabaho. Pag dumarating, palakpakan niyo rin. Para magtulungan kayong makauwi nang maaga,” aniya pa sabay tingin sa bandang likuran ng audience. “May mga tao pala dun sa malayo.”
Dito makikita na tila kinakapos na siya ng hininga, pero tuloy pa rin siya sa kanyang pagpapatawa, “Maganda ba ako sa malayo? Lipat kayo du’n,” sabi pa ng komedyante.
“Akala n’yo! Mali ang hula niyo, ‘no? Ang ganda ng introduction—isa sa may pinakamagandang mukha. Akala, nagkamali kayong lahat. Siyempre, ako ang mauuna! Kasi kung ako huli, baka hindi ko na kayo abutan! So, ako nga pala si Chokoleit…” pagpapatuloy pa niya.
Tuwang-tuwa ang Kapamilya comedian dahil nakikita niya na enjoy na enjoy ang mga tao sa kanya, lalo na nang isa-isahin niya kung paano siya tinatawag ng mga tao sa iba’t ibang lugar.
“Sa Bohol, Diyos ko! First time ko sa Bohol. Naloka ako ang tawag sa akin ng mga tao doon ‘Tablea, Tablea!’ Iyong iba, ‘Cocoa, Cocoa! Kulang na lang talaga, Cacao!” ani Chokie kaya tawanan ang mga tao.
Pagpapatuloy pa niya, “Isa yata ito sa may pinakamagandang stage na napag-performan ko. If not the best! Ang galing! Nakaka-ASAP ng ABS-CBN, ‘no? Ganito ang level, ASAP level,” ani Chokoleit.
“Kalokah! The best! Ia-IG story ko ito, asan na yung PA (production assistant) ko? Kailangang naka-IG story ito,” dagdag pa niya.
Kasunod nito ang tila nagtatampong spiel ni Chokoleit, “Kayo naman, manood kayong mabuti, ha? Lalo na sa akin! Ibaba niyo muna ang mga cell phone ninyo. Picture kayo nang picture, di naman ako naniniwala diyan.
“Ang daming nagpi-picture sa akin, wala naman akong nakitang nag-upload. Kalokohan yan! Picture-picture! Pag nag-memory full, ako rin ang unang idi-delete!” hirit pa ni Chokie kaya hagalpakan ang audience.