B-day party ni Gretchen sosyal na sosyal, sinorpresa ni Claudine

IT’S Gretchen Barretto’s 49th birthday recently and as expected, party-party ang kanyang drama.
Actually, tatlong parties yata ang aming nakita sa kanyang Instagram account.

One was in her mansion, of course. Grabe ang mga nagpadala ng cake kay La Greta, in all shapes and forms and color ang mga ito. Of course, lahat sila mamahalin, we don’t need to say that, right?

Kaloka, iyon na yata ang pinakamaraming birthday cakes na nasaksihan ko sa social media.

Pagkarami-raming cakes na nakahilera sa kanyang mesa. At talagang ipinapakita pa ni La Greta ang mga birthday greetings, ha.

Dumating si Claudine Barretto sa party ni Greta sa bahay. Ang saya-saya ng magkapatid na panay ang yakapan.

Then, meron ding pre-birthday party si La Greta sa Singapore kasama ang ilang friends. Walang humpay na lafangan ang naganap.

La Greta even posted a short video na kuha nila sa Four Seasons Hotel at tuwang-tuwa siya nang makakita siya na Pinay staff.

“Road to 50! Singapore love month long celebration. Four seasons Singapore, you reign,” caption ni La Greta sa video niya.

Then, another celebration came and La Greta had it sa sosyal na resto, ang iTrulli Fashion, Food & Wine sa Makati.

Read more...