Para sa may kaarawan ngayon: Kung sisimulan sa pagsisimba ang araw na ito, dobleng suwerte ang darating. Isang masarap na romansa ang mararanasan. Sa pinansyal may mag-aabot sa iyo ng malaking halaga ng salapi. Mapalad ang 4, 9, 15, 28, 33, at 48. Mahiwaga mong mantra: “Jai-Guru-Deva-Om”. Green at yellow ang buenas.
Aries – (Marso 21-April 19) — Kailangang mai-convert sa pagkakaperahan ang kasikatan. At sa pag-ibig lagi mong tandaang ang nagpapaligaya ng relasyon at ng pamilya ay salapi. Kaya ngayon pa lang mag-ipon ka na ng maraming maraming pera. Mapalad ang 1, 3, 10, 28, 38 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Baba-Nam-Ke- Balam.” Red at pink ang buenas.
Taurus – (April 20-May 20) — Nalala mo ang dating turo: “Magsipag para yumaman at magkapera!” Ngayon iba na ang turo: “Lagi ka lang magpaganda at pumustura, yayaman ka at habang buhay na magiging maligaya.” – Yan ang sikreto ng iyong kapalaran. Mapalad ang 6, 16, 27, 34, 43 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Kaleneha-Mahatha-Om.” Black at red ang buenas.
Gemini – (May 21-June 21) — Upang magtamo ng mabuting kapalaran, maging maibigin sa bawat may buhay at sa kalikasan. Sa pag-ibig, ang pagiging romantiko ng kasuyo ay dapat na suklian ng masarap na romansa – pagpasok nya ng pintuan halikan mo agad. “Aum-Kurvan-Adhenan-Om.” Green at white ang buenas.
Cancer – (June 22- July 22) — Tama ang ginagawa mong pagsa-sakripsiyo at page- exercise, para mapanatili ang kalusugan. Sa pag-ibig habang sumeseksi, lalo ka namang mapapamahal sa iyong kasuyo at bibigyan ka na naman niya ng maraming pera. Mapalad ang 7, 19, 22, 25, 34, at 44. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Visnu-Veda-Om.” Red at lilac ang buenas.
Leo – (July 23 – August 22) — Upang hindi kainggitan ng iba, iwasan ang labis na kadaldalan. Hindi kailangan ang maraming kuwento upang kumita ng malaking halaga, ang mas mahalaga ay ang katapatan. Mapalad ang 6, 9, 18, 27, 36 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Nahatha-Om.” Gold at purple ang buenas.
Virgo – (August 23 – September 22) — Hindi dapat balewalain ang obligasyon sa pamilya. Sa bandang huli ang kapamilya mo rin ang tutulong sa ‘yo at magaalaga. Sa pag-ibig, hindi matatakasan ang isang Taurus, mananatili siyang kapuso mo pa rin. Mapalad ang 7, 16, 25, 29, 43 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Kastha-Raga-Om.” Red at lilac ang buenas.
Libra – (September 23-October 23) — Pagpasok ng Abril malaking halaga ng salapi ang iyong kikitain. Sa pag-ibig, sa sandaling nakahawak ng maraming pera, wag kalilimutan ang pangako sa kasuyo – ang paswi-swimming ngayong tag-araw. Mapalad ang 3, 15, 25, 32, 39 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Mahata-Nastah-Om.” Green at white ang buenas.
Scorpio – (October 24 – November 21) — Salubungin ang bawat araw ng may ngiti at galak sa ‘yong puso upang lumigaya ka at umunlad. Sa pag-ibig, ngitian ang uto-utong kasuyo upang maipasunod mo na naman siya sa lahat ng iyong kagustuhan. Mapalad ang 7, 18, 23, 38, 40 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Bhanah-Om-Dosya.” Green at magenta ang buenas.
Sagittarius – (November 22 – December 21) — Upang magpatuloy ang suwerte, laging mag suot ng pula at asul. Sa pamamagitan ng kulay na pula at asul, lalong sasaya ang iyong love life at kusa darami ang inyong pera. Mapalad ang 6, 9, 18, 27, 36 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Nahatha-Om.”
Capricorn – (December 22 – January 19) — Upang pumasok ang suwerte, habang umiinit ang panahon, tanggalin na sa pamamahay ang mag sira-sirang gamit, palitan ito ng bago at hindi sira. Sa ganyang paraan ang masayang pag-ibig at maraming salapi ay mabilis ng darating. Mapalad ang 7, 14, 23, 32, 41, at 45. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Tatha-Sakra-Om.” Blue at beige ang buenas.
Aquarius – (January 20 – February 18) — Maiiwasan ang karamdaman kung ilalagay sa tamang oras ang pagkain. Wag magpalipas ng gutom. Sa pag-ibig at pinansyal isang Sagittarius ang lagi ng aalalay at tutulong sa ‘yo. Mapalad ang 3, 9, 18, 27, 26 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Shanti-Om.” Blue at orange ang buenas.
Pisces – (February 19 – March 20) — Mali ang binabalak mong paglayo! Ang mga Pisces ay hindi nagiging maligaya kung malayo sa pamilya. Sa pag-ibig at pinansyal, kapag malapit ka sa iyong mga mahal sa buhay mas madali kang uunlad at liligaya. Mapalad ang 2, 8, 16, 25, 34, at 43. Mahiwaga mong mantra: “Yod-He-Vau-Weh.” Green at yellow ang buneas.