TILA sunud-sunod ang lumalabas na chikang bading si Alden Something.
Noong una, nag-react ang fadir ni Alden na si Richard Faulkerson Sr. when a basher, @Rearevalo, fearlessly commented sa isang online article which said “Wanted: Bagong Leading Lady ni @aldenrichards02.”
“Baka leading man ang gusto nya,” say ng basher na hindi pinalampas ng father ni Alden.
“Sir, please prove it. Thank you,” say ng father ni Alden.
And then there was a woman, Queenberly Lavadia Tamaro, who claimed na baklita nga si Alden dahil naging classmate niya ito.
Posting a photo na kasama si Alden, ito ang nakakalokang caption ni Queenberly, “Bakla po talaga si Alden. Naging classmate q po yan ng grade 6, puro babae kasama nyan. Nag lalaro pa nga po kame chinise garter eh.”
Ang daming nag-react sa photo na iyon.
“Ikalat sa buong madla ang picture na yan. Oy, Turon kau dyannnnn!”
“Oh yung mga classmate ni Richard ng high school magsi-labas na kyo!!!!”
“Isa na namang resibo sa pagkaturon ni A. Kusang lalabas ang katotohan at walang magawa ang mga anay at network nya.”
May isa namang guy na nagtanggol kay Alden and said, “So much na pakikialam nyo sa life ng iba.
Kalkalin nyo lahat makapanira lang kayu wala bang dungis pamilia nyo o ikaw? Haisst. Lenten Season na sana kahit konti lang ng panahon nyo ibigay nyo na kay Lord. God Bless.”
And now, another basher, @merryme342143, posted a shocking message on Twitter: “Direk Chris does not want MFans to watch DG this Saturday coz it’s first and foremost all about Daddy’s Gay epi! Let’s show him we don’t care for that epi with that gay guest! NO TO Daddy’s Gay EPI this Sat.”
Direk Chris refers to Chris Martinez who is directing the sitcom na pinagbibidahan nina Maine Mendoza at Vic Sotto.
Pinalagan ni direk Chris si @merryme342143 and said, “Show your face so I can sue for this.”
Ayan may bantaan na ng demandahan.