Bwelta ni Jessa sa nagbanta kay Jayda: Gusto mong mamatay ang anak namin? O gusto mong ipapatay?

HINDI na natiis ni Jessa Zaragoza ang pamba-bash na inabot ng kanyang anak na si Jayda kaya naman tumalak na ito sa kanyang Instagram account.

Marami palang nangha-harass, namba-bash, nambu-bully kay Jayda kaya naman bilang ina ay kinailangan na niya itong ipagtanggol.

“Pinag isipan ko muna ito ng ilang araw bago ko ito pinost. Di na nga lang sana, pero tuloy pa din kayo sa ginagawa nyo kay Jayda. Naisip ko, talagang sumobra sobra na kayo. Pinagpasensyahan na nga lang namin mag asawa yung mga kung ano anong pinapadala nyong direct msgs kay Jayda, below the belt na mga tira, pangungutya, ilang beses na din nakatanggap ng ‘P***ngina yung anak namin sa inyo.

“Never namin minura ang anak namin. Pero kayo, wagas ang pagmumura nyo kay Jayda. Para bagang kayo ang nagpapakain sa anak namin. Ganun kalalakas ang luob nyong gumawa ng ganyan,” say ni Jessa.

She particularly set her attention sa isang basher na gusto raw ipapatay si Jayda.

“I’d like to call your attention @iam_sandra08 (sa twitter, hindi sa IG). Itong tweet mo sa twitter sa account ng anak naming si @jayda, kausap mo ang kaibigan mo, si @nera22621829. Mga iha, titigan nyo mabuti yung pictures na pinost ko. Tweet nyo yan sa anak namin, si Jayda.

“@iam_sandra08 iha? sabi mo sa tweet KILL THAT GIRL. Tweet mo yan, although alam ko binura mo na. Ikaw ang nag tweet nyan. GUSTO MONG MAMATAY ANG ANAK NAMIN? O GUSTO MONG IPAPATAY? Iha? Alam ba ng mga magulang mo ang mga pinaggagawa mong ganito?!

“Di ba gagraduate ka na? Alam ba ng iyong paaralan na ganito ka magsalita? Tweet mo ito iha, tweet na sinend mo sa ‘Nag iisa naming anak’ si JAYDA. @iam_sandra08 Kayo ba ng iyong kaibigan na si @nera22621829 ay talagang wala ng kinatatakutan? Kung di kayo takot sa mga magulang nyo, di na ba uso ang DIYOS sainyo??!! #Stopthiscyberbullying #notocyberbullying (SWIPE LEFT TO SEE ALL PICTURES).”

Naku, kailangan sigurong ipapulis na ni Jessa ang bashers ng kanyang dalagang anak. Hindi na biro kung may pagbabanta na sa buhay ng kayang dyunakis, ‘no!

 

Read more...