Kylie nasampolan ng sampal ni Gladys: Totoo siya, hindi fake!


NASAMPOLAN si Kylie Padilla ng makasaysayang sampal ni Gladys Reyes sa isang eksena nila sa seryeng TODA One I Love.

Ayon kay Kylie talagang nabuhay ang dugo at ugat niya matapos ang nasabing eksena dahil madaling araw na raw ito kinunan.

“Nagising ako, good morning!” ang natatawang chika ni Kylie.

Singit naman ng kanyang leading man sa serye na si Ruru Madrid, “Parang dumagundong ‘yung mundo, eh. Pagkatapos ng eksena, ‘Kylie, okay ka lang?'”

Game naman daw si Kylie sa mga ganu’ng eksena, “Mas maganda nga minsan na totoo para hindi mo ipe-fake, pilit kasi kapag fake eh.”

Read more...