Nanay dapat pasuwelduhin sa paggawa ng gawaing bahay-solon

WALANG tinatanggap na bayad ang mga nanay sa paggawa ng mga gawaing bahay.

Kaya ipinanukala ni Albay Rep. Joey Salceda sa Kamara de Representantes ang pagpapasuweldo sa kanila ng gobyerno.

“Our society considers stay-at-home mothers to be “doing nothing”, because they do not go out to work at paid job like the husbands. Every work of housewife can be considered ‘social reproductive work’ but most could not see this,” ani Salceda.

Paliwanag ni Salceda kung hindi gagawin ng isang nanay ang mga gawaing bahay ay mas maraming magiging problema ang lipunan gaya ng pagkaparewara ang mga bata at dagdag na problema sa mga mister.

“The State must therefore recognize the work of stay-at-home women, mothers or housewives as valuable economic activity. It is time to appreciate their worth and contribution in nation building.”

Sa ilalim ng panukala bibigyan ng gobyerno ng P2,000 kada buwan ang mga nanay na kabilang sa mga pamilyang mahihirap.

Ang halaga ay susuriin kada tatlong taon ng Kongreso upang malaman kung dapat na itong taasan.

Upang magpatuloy ang tulong mula sa gobyerno dapat ay nag-aaral ang mga anak at 85 porsyento ng attendance ang kanilang ipinasok, dapat ay hindi nasasangkot ang mga anak sa gulo, at dumadalo ang pamilya sa barangay assembly na gagawin kada tatlong buwan.

Read more...