Pusher utas, P2M shabu nasamsam

PATAY ang isang big time drug pusher at nakumpiska ang mahigit P2 milyong halaga ng shabu sa isinagawang buy bust operation ng Quezon City Police kahapon.

Kinilala ang nasawi na si Alex Abdul, alyas Manila Boy, ng SO Kangkungan, Brgy. New Lower Bicutan, Taguig City.

Naaresto naman ang mga kasama nitong sina Jenny Lynne Poja, 31, Maria Cristina Barrera, 28, Romeo Santizas, 41, Marissa Cilamor, 30, at Mark Ronnel Padilla, 20, pawang mga residente ng Taguig City.

Ang operasyon ay follow-up sa pagkakaaresto sa dalawang suspek nong Pebrero 28 sa Brgy. San Roque, Cubao kung saan pitong sachet ng shabu ang nasamsam.

Itinuro ng mga naarestong suspek ang kanilang supplier. Ala-1:27 ng hapon ng isagawa ang buybust operation laban kay Abdul sa Famela st., Brgy. South Signal Village, Taguig.

Nakatunog umano si Abdul at nanlaban sa mga paparating na pulis.

Narekober sa crime scene ang 312 gramo ng shabu na may street value na P2.1 milyon, kalibre .45 pistola at mga bala, dalawang cellphone at mga drug paraphernalia.

Read more...