SA pagdiriwang ng Women’s Month sa buong mundo simula Marso 1 hanggang Marso 31 kinikilala ang kahalagahan, karapatan at kagalingan ng mga kababaihan.
Akmang-akma naman ang buwang ito para bigyang kahalagahan ang pagboto ng tama sa nalalapit na midterm elections sa Mayo 13, 2019, kasabay ng pag-alala natin lalo na sa mga pulitiko na kilalang mga anti-women.
May ilang pulitiko na kitang-kita ang pagiging anti-women at pagmamaliit sa kakayahan ng mga kababaihan .
Nauna na rin sa isang debate, lumutang ang pagpabor ni Sen Cynthia Villar sa mga naghaharing-uri matapos naman ang alegasyon na kanyang pakikialam para hindi maipasara ang mga substandard nursing school noon pang 2005, minaliit nito ang mga Pinoy nurse sa kanyang “room nurse” na pahayag.
Sa pahayag ng Senadora , sinabi nito na hindi naman kailangang magtapos ng degree ang mga nurse dahil nais lamang umano nila na “room nurse” at caretakers.
“Yung sinasabi po namin sa kanila na actually hindi naman kailangan ang nurse ay matapos ng BSN [BS Nursing], kasi itong ating mga nurses ay gusto lang nila maging room nurse, o sa Amerika o sa other countries, ay mag-aalaga lang sila. Hindi naman kailangan na ganoon sila kagaling,” ang pahayag ni Villar.
Bilang isang babae ,siya ang dapat na nagsusulong sa karapatan ng mga nurse na alam naman natin karamihan ay mga babae,
Hindi naman nagustuhan ng organisasyon ng mga nurse na Philippine Nurses Association (PNA) ang pahayag na ito ng senadora
Aabot sa mahigit 360,000 nurse ang mga miyembro ng PNA.
Idinagdag pa ng PNA imbes na isulong at protektahan ang integridad ng mga nurse ay minamaliit pa ang kakayahan ng mga ito.
Sa mga kandidato , huwag maliitin ang kakayahan ng mga kababaihan.
Kayat sa darating na eleksiyon, maging mapanuri sa mga kandidatong anti-women.
May nais ba kayong isangguni sa Aksyon Line? Maaari kayong sumulat sa aming tanggapan Aksyon Line c/o Inquirer Bandera, MRP bldg., Mola st. cor. Pasong Tirad st., Makati City o kaya ay mag-email sa jenniferbilog@yahoo.com.ph or jenniferbilog1977@ gmail.com.
Hangad ng Aksyon Line na buong puso namin kayong mapaglingkuran sa abot ng aming makakaya.
Ang inyo pong lingkod ay maaari rin mapakinggan sa Radyo Inquirer DZIQ 990AM sa Programang Let’s Talk; Mag-usap Tayo, tuwing Lunes, Miyerkules at Biyernes, alas-7 hanggang alas-8 ng gabi; at Isyu ng Bayan tuwing Linggo, alas-8 hanggang alas-10 ng umaga. Maaari rin po ninyo na matunghayan o mapanood sa pamamagitan ng live streaming www.ustream.tv/channel/dziq.