Cristine bagong Angelina Jolie ng Pinas; pang-best actress sa ‘Maria’

CRISTINE REYES

PALAKPAKAN ang mga taong nanood sa celebrity/press screening ng pelikulang “Maria”, ang latest action-drama movie ng Viva Films na pinagbibidahan ni Cristine Reyes.

Super happy ang aktres pati na rin ang iba pang cast ng pelikula na present sa UP Cine Adarna kung saan ipinalabas ang “Maria” dahil sa mga positive feedback na natanggap nila after the screening.

Marami ang nagsabi na hindi imposibleng ma-nominate at manalo si Cristine ng best actress sa iba’t ibang award-giving body dahil sa husay na ipinakita niya sa “Maria”. Hindi lang kasi nagpaka-action star ang Kapamilya actress, talagang tumodo rin siya sa mga maemosyong eksena.

In fairness, maganda ang pagkakabuo ng “Maria”, alam na alam ng direktor nitong si Pedring Lopez kung kailan gugulatin, tatakutin, gagalitin at paiiyakin ang mga manonood. Pero sabi nga ng ilang nakapanood ng pelikula, mukhang bawal itong panoorin ng mga mahina ang puso dahil sa mga bayolente at madudugong eksena.

Personal choice rin ni Direk Pedring si Cristine para sa nasabing proyekto, “Noong isinusulat kasi namin ang kuwento ng Maria, namili kami sa mga artista ng Viva. Yung mata kasi ni Cristine, kapag tiningnan mo yung mata niya, fighter talaga.

“So, noong isinusulat namin ang Maria, siya talaga ang choice namin. Ang ganda ng built niya tapos hindi siya bato-bato. May muscle pero sexy. At the same time, fierce ang mga mata niya, pero puwede kang maawa sa kanya saka sobrang galing niya talaga,” lahad ng direktor sa nakaraang presscon ng “Maria”.

Ayon naman kay Cristine, matindi rin ang training na pinagdaanan niya bago sumalang sa shooting ng “Maria”, “A month of training pero madali naman siyang kunin. Natutunan ko agad ‘yung mga routine.”

Ang Hollywood actress na si Angelina Jolie ang peg ni Cristine sa role niya sa “Maria”, “Idol na idol ko siya kasi ang galing niya drama at action. Kaya ako may mga tattoo because of her kasi ang astig-astig niya. Kaya noong sinabi sa akin na gagawa ako ng action film, for me parang ‘wow! sige, i wanna do this.’

I’m so open about this.”
Para kay Cristine, ang isa sa mga eksenang dapat abangan sa movie ay ang, “For mommies, ang kailangang abangang eksena ay ‘yung eksena ng family namin lalo na ‘yung may nangyaring trahedya sa anak ni Maria. Kaabang-abang ‘yun. ‘Yung revenge ng isang nanay.

“Sa mga action fanatics, abangan nila ‘yung fight scenes namin most specially yung favorite na sabi nila na scene namin ni Jennifer (Lee) sa club,” sey ng aktres.

Sa presscon ng “Maria” sinabi ni Cristine na wala siyang ginawang intimate or sexy scene sa movie pero may ginawa siyang shower scene kung saan makikita ang kanyang kaseksihan.

Showing na sa March 27 ang “Maria” mula sa Viva Films, BlackOps Studios Asia at PsyOps. Makakasama rin dito sina KC Montero, Ivan Padilla, Andrea del Rosario, Cindy Miranda, Freddie Webb at Ronnie Lazaro.

Hindi man diretsong aminin ni Cristine Reyes, reading between the lines sa mga naging pahayag niya about her married life, mukhang totoong matagal na silang hiwalay ni Ali Khatibi.

Never nabanggit ng aktres ang kanyang mister sa panayam ng press nang tanungin tungkol sa anak na si Amarah. Wala rin ang name ni Ali nang isa-isahin ang nakasama sa selebrasyon ng birthday niya recently.

Pero balitang hindi naman ipinagdaramot ni Cristine kay Ali ang anak nilang si Amarah.

Read more...