PBB Housemate Andre hindi na maalala ang ‘laplapan scene’ nila ni Lou sa swimming pool

LOU YANONG AT ANDRE BROUILLETTE

PATULOY pa ring pinag-uusapan at pinagdedebatihan ang ginawang laplapan ng dalawang PBB Otso housemates – sina Andre Brouillette at Lou Yanong.

Hati ang reaksyon ng mga nakapanood sa viral “torrid kissing” video clip ng ina Lou at Andre, may nagsabing okay lang ang kanilang ginawa dahil nadala sila ng kanilang emosyon at kalasingan. Pero ayon naman sa ilang viewers, hindi magandang impluwensiya sa mga kabataan ang ginawa nila sa loob ng Bahay ni Kuya.

Pero ang ikinaloka ng iba ay ang confession ni Andre na hindi niya maalala ang ilang detalye sa pinagagagawa nila ni Lou lalo na nu’ng nasa swimming pool na sila at nakasakay na sa inflatable floater.

Ito ang sinabi niya kay housemate Fumiya Sankai kinaumagahan.

Kahit ang mga kapwa nila housemates ay hati ang saloobin sa nangyari. Ayon kay housemate Mary Grace Lagos, “Kahit sabihin natin mag-girlfriend-boyfriend sila, this is not the right place. Wala akong karapatan na bawalan silang dalawa, kasi matanda na sila. Pero dito kasi, iba kasi ang setup.”

Sey naman ng pinakabatang housemate na si Hanie Jarrar kay Big Brother, “We were all drinking pretty hard, me included. If it’s okay with Andre, and it’s okay with Lou, then I’m fine with it.”

Sa confession room sinabi ni Andre na wala siya talagang balak na halikan si Lou, “I don’t want to rush things. I do want me and Lou to be strong with time before we can move on to another step.”

Sey naman ni Lou, nahulog talaga ang loob niya kay Andre, “Nasaktan ako, siyempre. Nawala ‘yung sakit nu’ng na-meet ko si Andre. Kasi may tao palang kayang piliin ako.”

Ilang celebrities din ang nagbigay ng kanilang komento sa “torrid kissing scene” nina Lou at Andre.

Read more...