Walang trabaho kumonti-PSA

NABAWASAN ang mga walang trabaho noong Enero, ayon sa Philippine Statistics Administration (PSA).

Naitala sa 5.2 porsyento ang unemployment rate mas mababa sa 5.3 porsyento na naitala noong Enero 2018.
Ang employment rate naman ay 94.8 porsyento, bahagyang tumaas sa 94.7 porsyento noong 2018.

Ang pinakamababang employment rate ay naitala sa National Capital Region (93.6 porsyento), Autonomous Region in Muslim Mindanao (93.7 porsyento) at Calabarzon (93.9 porsyento).

Ang pinakamataas na employment rate naman ay naitala sa Cagayan Valley (96.9 porsyento) at Western Visayas (96.1 porsyento).

Ang underemployment rate naman ay naitala sa 15.6 porsyento mas mababa sa 18.0 porsyento noong Enero 2018.

Ang 2019 Labor Force Participation ay 60.2 porsyento ng 72.5 milyong populasyon na edad 15 taong gulang pataas.

Ang LFP noong Enero 2018 ay 62.2 porsyento.

Read more...