Pagdinig ng graft ni Bong Revilla hindi natuloy

BONG REVILLA

HINDI natuloy ang pagdinig ng 16 kaso ng graft na kinakaharap ni dating Sen. Ramon Bong Revilla Jr., ngayong araw kaugnay ng pork barrel fund scam.

Itinakda ng Sandiganbayan First Division ang susunod na pagdinig sa Marso 14.

Napatunayang nagkasala si Janet Lim Napoles sa kasong plunder kaya itinuturing na siyang isang “national prisoner” at para mailabas ng kulungan ay kailangang humingi ang Sandiganbayan ng authority mula sa Supreme Court.

Si Napoles ay nakakulong sa Correctional Institute for Women sa Mandaluyong City.

Si Revilla ay napawalang-sala naman sa kaparehong plunder case.

Bukod sa plunder ay nahaharap din siya sa mga kaso ng graft si Revilla kaugnay ng paglilipat ng kanyang P517 milyong pork barrel fund sa National Agribusiness Corporation, Technology Resource Center, at National Livelihood and Development Corp., bago napunta sa mga non-government organization ni Napoles.

Read more...