HABANG tinitipa namin ang kolum na ito ay hindi pa bumabalik ng Pilipinas sina Arjo Atayde at Maine Mendoza mula sa Taiwan. Mukhang sinamantala na nila ang pagde-date roon dahil pagbalik nila ay balik na uli sila sa pagtatrabaho.
Tulad ni Arjo na bukod sa seryeng The General’s Daughter ay magiging abala rin siya sa promo ng digital series na “Bagman” na mapapanood sa iWant ngayong Marso.
Ang “Stranded” movie naman nila ni Jessy Mendiola ay naurong sa Abril na mula naman sa Regal Films.
Sa walong taon ni Arjo sa showbiz ay tumatak lahat sa kanya ang nagawa niyang teleserye mula sa E-Boy, Dugong Buhay, Pure Love, Nathaniel, Ang Probinsyano, Hanggang Saan hanggang ngayon sa The General’s Daughter bukod pa sa guestings niya sa Maalaala Mo Kaya (walong beses), Ipaglaban Mo, Maynila, Wansapanataym at Toda Max.
Pero sa mga nabanggit ay tumatak sa lahat ang pangalang Joaquin Tuazon na naging karakter niya sa Probinsyano kung saan tumagal siya ng dalawang taon, pati na ang serye nila ng kanyang nanay na si Sylvia Sanchez na Hanggang Saan bilang si Paco at ito ngang The General’s Daughter bilang si Elai.
Aminado ang aktor na lahat ng karakter niya sa soap opera ay talagang inaaral niya at katakut-takot na research ang kanyang ginagawa.
“As of now, I’m doing three characters in a week and honestly speaking I don’t know how I do it, to be honest.
“I just have to be true, to believe that the character have to sink in, have to smell, the place have to feel everything and then siguro ‘yung pinaka pang-shake ko sa character after taping or shooting is to listen to super upbeat music,” paglalarawan ni Arjo sa sarili pagdating sa pag-arte.
Nabanggit din ng aktor na hindi siya namimili ng role, “Wala akong pinipiling role, ayokong naba-box na kontrabida, I want to be the first. I want to do everything If I can do 257 roles I will, If I can do multiple personalities.
“I wanna do something different in my generation, ayokong ma-stuck up sa anumang iniisip ng tao, gusto ko laging may bago. I always want to put something in the table, It’s not to impress, it’s not to prove anything, nothing at all. I just want to feed my dreams in my standard which I haven’t met at all.”
Aminado si Arjo na bukod sa pamilya niya ay inspirasyon niya si Maine sa lahat ng kanyang ginagawa.
May sitsit din sa amin na pagkatapos ng taping ni Arjo ng The General’s Daughter ay dumadaan pa talaga siya kay Maine bago umuwi. Nag-e-effort talaga ang binata para mapaligaya si Maine. Kaya naman hindi nakapagtataka na na-in love talaga sa kanya ang dalaga.
Samantala, nagpahayag ang mga taga-ABS-CBN at Star Cinema na masaya sila para sa ArMaine dahil “no more hiding na.”
May mga nagsabing bagay sina Arjo at Maine at sana bigyan sila ng pelikula. Pero ayaw pa ng aktor na magkatrabaho sila ng dalaga sa ngayon, “Maybe in the future, sino ba naman ako para tumanggi, pero not now,” saad ng binata.