TINANGGAL sa pwesto ni National Capital Regional Office chief Major Gen. Guillermo Eleazar ang direktor ng Eastern Police District, hepe ng Pasay City Police at ang buong pwersa ng Pasay City Police Drug Enforcement Unit matapos maaresto ang ilan sa kanilang tauhan at miyembro na nangongotong sa magkahiwalay na entrapment operation noong Martes.
Bunsod ng utos ni Philippine National Police chief Gen. Oscar Albayalde, sinibak ni Eleazar sina Brigadier Gen. Barnabe Balba, direktor ng EPD at Col. Noel Flores, hepe ng Pasay City Police.
Maliban sa dalawang opisyal, tinanggal din ang 15 pulis na nakatalaga sa Pasay City Police SDEU at 27 ibz pa na katalaga sa iba’t-ibang departamento.
Ayon kay Albayalde, ang malawakang sibakan ay bunsod ng pagkakadakip kina Anawar Nasser ng Pasay City Police SDEU na nangikil ng P100,00 sa isang drug suspect at Cpl. Marlo Quibete ng EPD-DDEU na nanghingi ng P20,000 sa isa pang umano’y tulak na nahuli.
Dinibdiban, sinabunutan, dinuro at minura ni Eleazar si Quibete habang ipiniprisinta ito sa media.
“Pinatawag ko iyung iba kagabi, tinatawagan ng kanilang district director, pero hindi na po lumutang. Natakot na siguro dahil sa stiwasyon at namonitor nila na naaresto na itong kasamahan nila,” ani Eleazar.