‘Hindi kayang wasakin ni Arjo Atayde ang AlDub, hashtag walang iwanan’

ARJO ATAYDE, MAINE MENDOZA AT ALDEN RICHARDS

NAGLABAS ng pahayag ang manager ni Maine Mendoza na si Rams David kaugnay ng biyahe ng Triple AAA artist kasama si Arjo Atayde.

Nilinaw niyang may mga kasama sina Maine at Arjo patungong Taiwan at may blessing din yun ng parents ni Meng.

“Nirerespeto ko kung anuman ang personal at desisyon ni Maine. Kasi personal niya ‘yon.

“Kasi si Maine ay nagtatrabaho po nang maayos kung ano ang assignment na binibigay sa kanya. She delivers.

“Bilang artista, ginagawa niya po ang trabaho niya. Outside job po, kung ano ang ikaliligaya niya, ikasasaya niya na hindi ikapapahamak ng bata, she can do it. Kasi we trust her.

“The management and I’m sure the family trust her kung sinuman ang kasama niyang lumalabas.

“Nagddi-date, out of town or out of the country which is right now, she is in company with friends kasi birthday niya.

“Puwede bang ibigay na natin kay Maine ‘yon as a gift para maging masaya ang bata? Ganoon din ang wish ko sa kabilang part.

“Si Alden, I’m sure si Alden (Richards) may sarili ring buhay. He has respect anuman ang desisyon ng tao sa sariling buhay.

“And I’m sure Alden is working hard. Hanga ako kay Alden. He’s part of Sunday Pinasaya. Sobrang appreciation meron kami lalo na sa akin as one of the producers of Sunday Pinasaya.

“Kasi he makes it a point na nandoon siya ng Sabado to rehearse at tuwang-tuwa siya pag maganda ang nagagawa niya.

“For me, ang artista, pag ginawa mo ang assignment mo nang tama, marespeto kang tao, that’s it. Kung anuman ang magpapaligaya sa ‘yo outside showbiz, kung wala kang tatapakan at sasaktan, you can do it.

“Sa mga nagmamahal sa kanila, maraming-maraming salamat po. Sa mga nasaktan, salamat din po kasi sumuporta sila sa dalawa.

“Sana po hihingin ko ang inyong pang-unawa sa present situation ngayon. Kasi po personal nilang buhay ‘yon kung saan sila liligaya!” pahayag ni Rams.

Kasama man ni Meng si Arjo ngayon, tuloy pa rin naman ang tambalan nila ni Alden sa Eat Bulaga araw-araw at ngayong Sabado nga sa Kapuso sitcom na Daddy’s Gurl, tuloy na tuloy na ang guesting ni Alden.

Hindi naman sapat na rason ang pagiging malapit ni Maine kay Arjo para hindi ipagpatuloy ang tandem ng AlDub, huh!

At sigurado rin kami na mas ikatutuwa nina Alden at Maine kung patuloy silang susuportahan ng AlDub Nation kahit pa nga may ibang gusto ang Dubsmash Queen.

Tulad nga ng laging sinasabi ng ADN, hashtag walang iwanan, tuloy ang laban.

Read more...