BUMABA sa 3.8 porsyento ang inflation rate o bilis ng pagtaas ng presyo ng bilihin noong Pebrero.
Ayon sa Philippine Statistics Authority, bumaba ang inflation rate noong nakaraang buwan kumpara sa 4.4 porsyento noong Enero. Kapantay naman ito ng inflation rate noong Pebrero 2018.
Sa National Capital Region, naitala ang inflation rate sa 3.8 porsyento, mas mababa sa 4.6 porsyento noong Enero at 4.7 porsyento noong Pebrero 2018.
Ang pinakamababang inflation rate ay naitala sa Cordillera Administrative Region at ang pinakamataas naman ay Mimaropa (Region 4-B) na naitala sa 5.3 porsyento.
MOST READ
LATEST STORIES