ISA ang tigdas o measles sa kinatatakutang sakit ngayon lalo na sa mga bata dahil dumarami na ang namamatay dito at tumataas na rin ang kaso nito.
Kaya naman nanawagan na ang pamahalaan na ipabakuna ang mga bata lalo na ang mga sanggol para makaiwas dito.
Narito ang ilang paalala na makatutulong para magamot at makarekober agad mula sa tigdas:
1. Bigyan ng mahabang pahinga at pagtulog ang bata o pasyente.
2. Kapag may mataas na lagnat, punasan ang pasyente ng maligamgam na tubig gamit ang bimpo.
3. Painumin ng maraming tubig ang pasyente.
4. Diliman ang kuwarto dahil sensitibo ang mga mata ng pasyente sa liwanag.
6. Kung may ubo at plema, pai-numin ng antibiotic at gamot sa ubo na rekomendado ng doktor ang pasyente.
7. Para sa kati na hatid ng rashes, puwedeng pahiran ng Calamine lotion at bigyan ng gamot sa kati ang pasyente.
8. Gupitan ang mga kuko ng pasyente at lagyan ng guwantes ang mga kamay nito para hindi magsugat ang balat nito kapag kakamutin ng rashes.