Sigaw ng AlDub fans: Napakasakit ng ginawa ni Maine, para na rin kaming nabudol-budol!


NAGBUHOS ng sari-saring emosyon at reaksyon ang ilang members ng AlDub Nation sa Twitter kahapon gamit ang hashtag na #ADNLastsForever.

Resulta ito ng pag-amin ni Maine Mendoza na totoong nagde-date sila ni Arjo Atayde sa pamamagitan ng kanyang blog.

Sinabi rin niya na na-meet na ng aktor ang parents niya para ipaalam sa mga ito na malinis ang kanyang intensyon. Then, may lumabas na picture sina Meng at Arjo na magkasama sa airport, at balitang sa Taiwan sila pupunta para sa selebrasyon ng 24th birthday ng Phenomenal Star.

Binanatan si Meng ng ilang fans sa ginawa niyang pag-amin at sinabing nabastos sila sa nangyari. Pero may mga dumipensa rin sa kanya.

“The character assassination is too much. So SAD, that most came from my co-ADN fans. I don’t like Arjo for Maine but who am I to judge. I don’t believe M is ungrateful to ADN. I am proud being a part of compassionate ADN & for me, no one an beat that #ADNLastsForever. Am back to KDRAMA,” ayon kay @AnnaLopez2472.

“’Yung pinagtatanggol ka pa ng tatay ni Alden dati sa mga bashers mo @mainedcm pati ata sila nabudol budol mo,” comment ni @XXX80777055.

“Huhuhu! Kay sakit naman!!! Hindi deserve ng fandom ang mga sinasabi mo @mainedcm na toxic at worst fandom. Sobra ka na!!! Ilang ulit mo na kaming sinaktan pero ito ang pinakamasakit Maine!!!” ang pahayag naman ni @Maricarjh.

“Ano na naman kayang paandar itong echoserang Yakapsul ni Maine kay Arjo? Anong Next Project ba???Parang ginagamiit lang yata si Arjo para makalayas ng tuluyan si Maine sa mga uto-utong Aldub fans ha. Bagay ba sila? Or ALDUB Forever pa rin?” sabi ni @ImangKuba.

Marami pang masasakit na salita ang ibinato kay Meng ng fans niya sa Twitter. But in fairness, number one trending sa nasabing platform ang gamit nilang hashtag, huh!

Of course, umabot man o hindi ang mga negatibong tweets nila laban kay Maine, siguradong tuloy lang ang dalaga sa mga gusto niyang gawin.

Read more...