TINANONG si Direk Mikhail Red kung bakit “Eerie” ang titulo ng pelikula nina Bea Alonzo at Ms. Charo Santos-Concio na mapapanood na sa Marso 27 mula sa Star Cinema at Cre8 (Singapore).
Ang paliwanag ni direk Mikhail, “Ang interesting kasi dito sa ‘Eerie’, first time international co-production ng Star Cinema and parter with Singapore. Itong project kasi pini-pitch namin abroad tapos na-meet namin ‘yung Star Cinema sobrang suwerte ko as a filmmaker na na-decide nilang i-finance ‘yung movie.
“May ganu’ng angle na hindi lang for the local audience but also gusto naming i-export kasi proud kami sa quality and isa ‘yun sa strategy na gusto namin ng title na English na rin na hindi ‘yung type na pag-in-export mo, ita-translate mo pa kasi confusing ‘yung ganu’n.
“With one title, alam mo na kaagad ‘yung genre, alam mo na agad na horror with the word eerie alam mo na ‘yung atmosphere na hindi ‘yung typical na ‘huh, horror.’ Malaking tulong ang English title talaga for international,” aniya pa.
Napanood na sa Singapore International Film Festival ang “Eerie” nitong nakaraang Disyembre at ngayong buwan lang ito mapapanood sa Pilipinas.
Tinanong ulit ang direktor kung ilang buwan o taon niya binuo ang pelikula, “Pinitch namin ‘to 2017. Early 2017. And then we’re shooting early 2018. And then, nag-world premiere kami, late 2018. Almost a year and a half. And I think, dapat naman talaga, gano’n. May process kang kailangang sundan if you want a certain standard.
“Dapat, hindi minamadali. Hindi pinipilit. If it’s not ready, di ba, don’t release it. Dapat, may enough time to shoot.
“Enough time to develop the script, to prepare, pre-prod, workshops. To polish, color, sound. Huwag ipilit kung hindi pa ready,” pahayang ng batang direktor.
Edad 27 ngayon si direk Mikhail at sa edad 15 ay nagsimula na siyang gumawa ng short films kaya kabisado na niya lahat ng pasiku-sikot pagdating sa pelikula.