Arjo, Maine ibang level na ang kaligayahan; nag-date sa Taiwan


SIGURADONG ibang level ng kaligayan ang nararamdaman ngayon nina Maine Mendoza at Arjo Atayde.

Malayang-malaya na nilang naibabandera ngayon ang kanilang relasyon.

Lumipad patungong Taiwan ang dalawa kasama ang ilang malalapit na kaibigan bilang bahagi pa rin ng birthday celebration ni Maine.

Bago ito, sinalubong muna ng magkarelasyon ang ika-24 kaarawan ng dalaga sa isang pribadong yate. Isa ito sa mga inihandang sorpresa ni Arjo sa kanyang girlfriend.

Hindi man namin personal na nasaksihan ang effort ni Arjo para mapasaya si Maine sa birthday nito ay lagi naman kaming kinukuwentuhan ng mga taong malapit sa dalaga. Sila rin ang nagpadala sa amin ng mga litrato ng ArMaine nang magpunta sila sa Bali, Indonesia last year.

At hindi pa nga sa yate natapos ang pasabog na birthday surprise ng aktor para kay Maine dahil sabay nga silang nagtungo sa Taiwan para doon ipagpatuloy ang selebrasyon.

Trending naman ang sweet at hugging photo nina Arjo at Maine na ipinost mismo ng binata sa kanyang Instagram account na may nakakakilig na caption na, “My reason for being. Happy birthday to my main.”

Hindi lang ang mga fans ng dalawa ang nag-post ng kanilang mga comments nang makita ang litrato kung saan magkayakap sila, kundi pati na rin ang ilang mga celebrities.

Ilan sa mga nag-congratulate kina Arjo at Maine ay sina Maja Salvador, Paulo Avelino, Denise Laurel, Arron Villaflor, Ejay Falcon, Jake Cuenca, Jasmine Curtis, Iza Calzado, Agot Isidro, Zsa Zsa Padilla at marami pang iba.

Read more...