MARAMI ang nangangamba na maging biktima o may kakilala na maging biktima ng extrajudicial killings, ayon sa survey ng Social Weather Stations.
Sa survey na ginawa noong Disyembre 16-19, sinabi ng 78 porsyento ng mga respondent na sila ay talagang nangangamba (42 porsyento) o medyo nangangamba (36 porsyento) na maging biktima ng EJK at may kakilala sila na maging biktima nito.
Nagsabi naman ang 22 porsyento na medyo hindi nangangamba (13 porsyento) at talagang hindi nangangamba (9 porsyento) na maging biktima ng EJK.
Sa survey noong Hunyo 2017, 73 porsyento ang nagsabi na sila ay nababahala at 27 porsyento ang nagsabi na hindi.
Mayroon namang 12 porsyento na nagsabi na mayroon silang kakilala na naging biktima ng EJK.
Tiwala naman ang 72 porsyento na seryoso ang gobyerno sa ginagawang paglutas sa mga kaso ng EJK. Labingpitong porsyento ang hindi tiyak at 11 porsyento ang nagsabi na hindi seryoso.
Kinuha sa survey ang opinyon ng 1,440 respondents.