Mag-ama nilamon ng ilog

PINAGLALAMAYAN ngayon ang isang lalaki at kanyang anak matapos malunod habang nagsi-swimming sa ilog sa Lucena City, Quezon, Linggo ng hapon.

Dinala pa sa ospital si Ronaldo Dacer, 30, at ang 10-anyos niyang anak na lalaki, ngunit kapwa sila di na umabot nang buhay, ayon sa ulat ng Quezon provincial police.

Naganap ang insidente dakong alas-5, sa bahagi ng Dumacaa River na sakop ng Purok Sariling Atin, Brgy. Gulang Gulang.

Inanod sa malalim na bahagi ng ilog ang mag-ama at lumubog, kaya sinubukang sagipin ng mga tauhan ng lokal na Disaster Risk Reduction and Management Office.

Lumabas sa imbestigasyon na bago mag-swimming ay nakipag-inuman si Dacer sa mga kaanak ng kinakasama. 

Read more...