PINATULAN ni Ethel Booba ang controversial “Momo Challenge” na sinasabing dahilan ng pagpapakamatay ng ilang bagets.
On her Twitter account, ito ang say ni Ethel: “Hindi mauutusan ng Momo na yan ang mga pamangkin ko. Ang tatamad eh. Charot!”
Ang daming nag-react sa tweet niyang iyon. Kanya-kanyang aria ang followers ni Ethel.
“Yari pag sa ate kong tamad nag utos yang Momo na yan, malamang ipasa sa akin. Nung pinaghugas ng plato ni nanay si ate eh ipinasa pa sa akin. yari na.”
“Kahit siguro bata ako, di rin ako susunod. singkwenta ba naman utos niya. si God nga 10 lang!”
“Paano masusunod ng mga bata sa inyo si Momo eh wala naman kayong wifi? Picture nga sa FB hindi mo makita eh. Chos!”
“Hindi rin nyan mauutusan pamangkin ko. Hindi kasi sila nakakaintindi ng English eh.”
“Parang mga apo ko din super sa tamad. Gusto sa table lang nakaupo habang lumalapang at magkwentuhan.”
“Hindi din niyan mauutusan ang 5 years old kung anak kasi di pa nakakabasa eh.”
“Hindi mauutusan ni Momo yung pamangkin ko. Pinapatay ng kapitbahay namin wifi nila.”
“Si momo yung magpapakamatay sa dami ng utos ng pamangkin ko.”
But this one’s talagang nakakaloka: “Sana mapanood ni @MochaUson Bong Go at Gadon yang Momo para happy na ang Pilipinas.”