Janine gustong makipag-date kay Rayver sa Amanpulo

RAYVER CRUZ AT JANINE GUTIERREZ

DREAM pala ni Janine Gutierrez na makapunta sa Amanpulo. Ito raw ang kanyang pinag-iipunan nga-yon dahil gusto niyang doon mag-birthday sa darating na October.

Matagal nang pangarap ng Kapuso actress na makapag-swimming sa Amanpulo na isang private luxury island resort sa Palawan na talagang dinarayo pati ng mga Hollywood stars.

Sa nakaraang presscon ng bagong afternoon series niya sa GMA, ang Dragon Lady, naikuwento ni Janine na hindi sila nag-date ng boyfriend niyang si Rayver Cruz last Valentine’s day. Sa halip, isinama siya ng Kapuso actor sa puntod ng yumaong ina nitong si Beth Cruz na pumanaw last month due to pancreatic cancer.

Kaya ang tanong sa dalaga, kung yayayain siya ni Rayver for a belated Valentine date, saan niya gustong pumunta? “Amanpulo, char! Ha-hahaha! Hindi, dinner lang, dinner-dinner lang.”

Nasabi na ba niya kay Rayver ang tungkol sa Amanpulo? “Actually sinabi ko, na parang gusto ko du’n mag-birthday. Wala naman siyang sinabi, tingnan natin,” ani Janine sabay tawa uli.

Sa Oct. 2 pa ang birthday ni Janine kaya, “Matagal pa, puwede pang mag-ipon,” chika pa ng lead actress ng Dragon Lady.

May nag-suggest naman na bakit hindi na lang nila pagsabayin ni Rayver ang belated Valentine’s date at birthday niya, “Puwede, puwede, para sulit, ‘no!?”

Samantala, ngayong hapon na magsisimula ang Dragon Lady kung saan gagampanan ni Janine ang karakter bilang isang babaeng ipinanganak na mukhang dragon dahil sa isang sumpa na nagmula sa kanyang ina na gagampanan ni Diana Zuburi.

“Excited ako kasi ngayon lang ako magkakaroon ng ganito ka-strong talaga na character. And additional challenge nga yung bumubuga siya ng apoy. So iyon talaga yung kakaiba,” kuwento ni Janine.

Actually, hindi na raw sila makapaghintay ng leading man niyang si Tom Rodriguez sa pagsisimula ng fantasy-drama na Dragon Lady,

“Napaka-interesting ng premise, parang naka-seesaw siya between suwerte at malas, and yun yung aabangan ng viewers everyday, sino nga ba ang mamalasin at susuwertihin.”

“May fantasy element pa na malaking part ng kuwento ni Dragon Lady kaya sobrang nakaka-excite,” aniya pa.

Read more...