Kathryn kay Daniel: I promise to love you and stay with you forever

PARA pakalmahin at bigyan ng assurance ang ilang KathNiel fans, may naglabas ng isang vlog kung saan mapapanood kung gaano kamahal nina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo ang isa’t isa.

Sa gitna ng intriga na kumakalat tungkol sa estado ng relasyon nina DJ at Kath, isang video clip nga ang kumakalat na may titulong “Discover a Different World with KathNiel.”

Makikita rito ang bonding moments ng magdyowa noong magbakasyon sila sa Hokkaido at Hiroshima, Japan. Wala kang makikitang bakas ng samaan ng loob o hindi pagkakaintindihan sa pagitan nila.

Ipinakita rin dito ang sulat ni Kathryn para kay DJ. “This is going to be our best year together! Thank you for all the love you’ve given me. I promise to love and stay with you forever. I love you so much!” bahagi ng letter ni Kath.

Binigyan naman ng regalo ni Daniel si Kathryn ng parang baso na may nakaimprentang, “To more adventures with you, my love!”

Read more...