Jaya: Gusto kong maranasan ang maging impakta!
BUKOD sa pagiging singer at hurado sa Tawag Ng Tanghalan sa It’s Showtime, gusto rin daw niyang makagawa ng pelikula o indie film.
Nakagawa na kasi ng teleserye si Jaya noong nasa GMA 7 pa siya kaya gusto naman niyang mag-try sa movies.
“Gusto kong maranasan ‘yung ibang aspeto ng showbusiness, baka nga gusto ko pa magka-radio program, eh,” birong sabi ni Jaya.
Tinanong namin ang Queen of Soul kung anong role ang gusto niya sa indie film? “Gusto ko impakta (kontrabida) ako,” saad niya.
At dahil indie film naman ay puwede ba siyang tumanggap ng sexy role bilang singer at magkaroon ng bed scenes? “Ayyy! Bed scene?” tumiling sagot ng singer sabay tawa.
“My God, naku, ipapaayos ko lahat ng ano (itsura ko). Hindi ko alam, I don’t know. Pag sinabi ni Vision (Erickson Raymundo, manager niya) na gawin mo, gagawin ko. I’m sure alam din niya ‘yung kapasidad ko. Sa tingin n’yo ba gusto ng taong makita akong nakikipaglaplapan, parang hindi naman, ang laswa ay!” pahayag ng singer.
Sabi pa sa amin, “Pero alam ko ‘yung sinasabi mo na medyo may konting romantic churva, why not? Hindi naman ako mabantot, puwede naman.”
Samantala, magdiriwang si Jaya ng kanyang 30 years sa industriya sa pamamagitan ng concert na “Jaya: At Her Finest” the 30th anniversary concert sa The Newport Performing Arts Theater, Resorts World Manila sa Abril 3, 8 p.m..
Ayon kay Jaya, “This is the most critical concert that I will be doing pero parang ito ‘yung pinaka-relax kasi sa mga nakakakilala na sa akin kapag sinabing concert, I’ll get nervous it’s not a common to do na may pinaghahandaan and this one is a combination of 30 years, three decades of different things happening.”
Sa mga nakalimot na, napasama ang awitin ni Jaya na “If You Leave Me Now” sa US Billboard Hot 100 chart noong Oktubre, 1989 at umabot sa #44 noong Pebrero, 1990 sa loob ng 26 weeks.
Ang special guest ni Jaya ay sina Jay R, Kyla, KZ Tandingan, Ogie Alcasid, Regine Velasquez-Alcasid at Ms. Pilita Corrales. Si John Prats ang stage director at si Marc Lopez naman ang musical director produced ng Cornerstone Concerts at Resorts World Manila.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.