NATURAL na yata sa mga kilalang artista ang pagkakaroon ng iba-ibang atake ng kaartehan. Hindi ‘yun nawawala, palaging napapansin ng iba, dahil kung kailan maraming tao ay saka umaandar ang pag-iinarte ng ibang personalidad.
Tulad na lang ng isang kilalang female personality, kailangang may audience ang kanyang pag-iinarte, kapag maraming nakapaligid ay saka siya nagpapaandar ng kanyang pagpapa-cute.
Kuwento ng isang source, “Naku, ‘no! Hindi na bagay sa kanya ang pag-iinarte niya, hindi na siya bagets, ang tanda-tanda na niya para umarteng parang batambata pa siya!
“Kapag walang tao, e, tahimik lang naman siya, parang walang kilalang kahit sino, pero oras na dumagsa na ang mga tao, ‘yun na! Magpapa-cute na siya!
“Nagbe-baby talk pa nga ang hitad na ‘yun, e! Kakausapin niya ang PA niya, may hinihingi kunwari siyang kung ano, aarte siya na parang bata na humihingi ng food sa alalay niya!
“Nakakaloka siya, ha? Nawiwindang sa kanya ang mga hindi pa sanay, kasi nga, nagbe-baby talk siya!
May panguso-nguso pa siya na parang naglalambing, kaya ‘yung isang veteran actress na nakakita sa kanya, e, malapit nang mahulog sa kinauupuan niya!
“Sabi nu’ng beteranang aktres, ‘Ano ‘yan? Ganyan ba siya talaga? Nag-aastang bata? Ano ang pinaggagagawa niya?’ Nakita niya kasi nu’ng humihingi ng food si ____ (pangalan ng maarteng aktres na nagkakaedad na) sa PA niya.
“Napatawa na lang ‘yung veteran actress, kulang na lang na sabihin niyang kahalay tingnan ng nag-iinarteng aktres! Basta maraming tao, ganu’n siya talaga!
“Pero kapag wala namang mga nakatingin sa kanya, e, simple lang siya, tahimik na tahimik, may sariling mundo!
“Minsan nga, e maiisip mo na lang na may kuwerdas yatang nalalagot sa babaeng ‘yun, e! Napakaarte niya! Nakakainis ang kaartehan niya!
“Para siyang nakatira sa wonderland kaya nag-aastang bata pa siya! Nakakalukring ang babaeng ‘yun!” natatawang pagtatapos ng aming impormante.
Naku naman, Bradly Guevarra at Tita Nene Ulanday, kailangan n’yo pa ba ng clue, mauupo pa ba kayo n’yan sa Row 4 na katabi ang mabahong basurahan?