‘Familia Blondina’ ni Karla hindi copycat ng ‘Ang Tanging Ina’

KARLA ESTRADA

NAGAWA pa ring makarating ni Kathryn Bernardo sa premiere night ng “Familia Blondina” na pinagbibidahan ni Karla Estrada, sa TriNoma mall early this week.

Pero tapos na ipalabas ang pelikula at halos paalis na ang mga tao nang dumating si Kathryn sa sinehan.
May dalawang magkasunod na event daw si Kathryn kaya na-late siya. Pero sabay daw na umalis ng venue sina Kathryn at boyfriend niyang si Daniel Padilla.

Bago pa man dumating si Kathryn ay nagpahayag na si Daniel na hindi raw totoo ang balitang break na sila. Ayos daw sila ni Kathryn kaya tigilan na raw ang pang-iintriga sa kanila.

Pero matagal bago nagsalita si Daniel sa isyu nang pag-unfollow sa kanya ni Kathryn sa Instagram. Basta ayos lang daw sila ng kanyang girlfriend. Diin pa ni Daniel nakabakasyon siya ngayon kaya wala muna siya sa showbiz.

May mga umasa naman na makita sa premiere night ang anak nina Ormoc City Mayor Richard Gomez at Cong. Lucy Torres na si Julianna Gomez na na-link kay Marco Gallo.

Asus, asa pa ba tayo after ng mga pinakalawang pahayag ni Marco tungkol sa relasyon nila ni Julianna?

Anyway, umpisa pa lang ng “Familia Blondina” ay sasakit na ang panga ninyo sa katatawa. In fairness, mahusay ang pagkaka-edit ng pelikula kaya ‘di namin namalayan ang first 30 minutes ng movie at wala kaming ginawa kundi tumawa nang tumawa.

Comment naman ng marami sa movie ni Karla ang malaking pagkakahawig nito sa “Ang Tanging Ina” ng Comedy Queen na si Ai Ai delas Alas.

May pagkakahawig, true ‘yun kasi parehong tungkol sa kwento ng isang inang nagsakripisyo at nais bigyan ng magandang buhay ang kanyang mga anak. Pero hindi ito copycat ng “Ang Tanging Ina” movies na idinirek ng yumaong box-office director na si Wenn Deramas.

Read more...