Nabuking sa cake: Arjo, Maine nakapag-date na sa Amanpulo


NAG-CELEBRATE ng kanyang kaarawan si Maine Mendoza sa Eat Bulaga kahapon kung saan ipinakita ang sangkaterbang cakes na bigay sa kanya ng kanyang supporters kabilang na ang Solid Maine, AlDub at ArMaine.

Agaw pansin ang cake na bigay ng ArMaine dahil ito ang pinakamataas at kakaiba dahil sa bawat layer ay may mga nakalagay na litrato at lugar kung saan kinunan tulad ng isang cake na may litrato nina Arjo Atayde at Maine na may logo ng ArMaine lovers.

Meron ding litrato sina Coco Martin at Maine (mula sa JackEmPopoy); solong picture ni Maine bilang Box Office Queen; litratong magkasama ang dalaga at si Arjo nang magpunta sila sa Tagaytay, New York USA, La Union, Amanpulo at Bali.

Ang taray, dahil sa pamamagitan ng cake nalaman na ng publiko na marami nang napuntahang lugar ang ArMaine kabilang na ang Amanpulo. So, alam na this mga AlDub Nation, huh?

Anyway, ngayong araw ang kaarawan ni Maine at sitsit ng fans ay may malaking sorpresa raw si Arjo para sa love of his life na hindi pa rin alam din ng pamilya ng aktor dahil nang magtanong kami sa nanay nitong si Sylvia Sanchez ay wala rin daw siyang alam dahil nasa Mindanao siya.

Oo nga, kaarawan din kasi ngayong araw ng nanay niyang si Mama Rosyline Campo kaya umuwi siya ng Nasipit, Agusan del Norte nitong Sabado nang umaga para makapiling sila.

Mukhang memorable ang araw na ito para kay Arjo dahil sabay magse-celebrate ang lola at girlfriend niya.

Anyway, labis namang nagpapasalamat ang mga loyalistang supporter ng ArMaine tulad ni @EyamCC147, “I supported the cake of the ArMaine Lovers but the credit should be going to the ladies who did all the leg work. It was a suspense if this cake would be allowed inside or not. Thank you again.”

Sa Eat Bulaga management ay ipinararating din ng ArMaine group ang labis nilang pasasalamat dahil binigyan ng espasyo ang cake nila para kay Maine.

Samantala, tinext namin si Arjo habang tinitipa namin ang balitang ito kung ano ang birthday wish niya kay Maine pero hindi niya kami sinagot.

Read more...