Waitress sa resto nabiktima ni Jason sa TBATS; Andrea kumasa sa Truth o Charot


KUNG nabitin na naman kayo last Sunday sa mga kalokahan at kabaliwan ng The Boobay And Tekla Show, siguradong isa na namang episode na punumpuno ng good vibes ang mapapanood n’yo tonight.

At dahil you deserve only the best and the funniest, sure na sure sina Boobay at Tekla na matutulog na naman kayo mamayang gabi nang may ngiti sa inyong mga labi.

Abangan ang dalawang Kapuso TV host-comedian sa kanilang Kara Mia-inspired production number.

Hindi n’yo dapat palagpasin ang live rendition nila sa Bonnie Tyler classic na “Total Eclipse Of The Heart.” Pero may twist ito, ha! Magpe-perform sila as conjoined twins kaya sino ang maggi-give way at mapapa-“turn around?”

Sa man-on-the-street segment naman, sasagutin ng mga taong makakasalubong nila ang tanong na, “Kung may ipababago ka sa mukha mo, ano ito?” Mahulaan n’yo kaya kung ano ang mas maraming magkakapareho nilang sagot?

Samantala, sa “Pranking In Tandem” segment magpapanggap na beking customer si Jason Abalos sa isang restaurant. Tiyak na ikaloloka n’yo ang magiging reaksyo ng bibiktimahin nilang waitress?

At siyempre sa “Truth or Charot”, sexy actress Andrea Torres will take the hot seat. Kailangang masagot niya ang toughest and most controversial questions mula sa guest host na si Kris Tetay. Aalamin nina Boobay at Tekla kung ang isasagot ni Andrea ay Truth or Charot. A “buwis-buhay” consequence awaits them if they give a wrong answer.

And finally, the funtastic duo will read another set of weird and provocative letters in “Dear Boobay and Tekla.” Kaya kung gusto n’yong tumawa lang nang tumawa para sa isang brand new stress free week, watch na ng The Boobay And Tekla Show tonight after Kapuso Mo, Jessica Soho sa GMA.

Read more...