Janella sa ‘paghihiwalay’ nila ni Elmo: Maraming natutunan, I’m wiser now…


“MAS wais na ako ngayon!” Yan ang ipinagdiinan ni Janella Salvador bilang isa sa mga natutunan niya matapos ang kontrobersyal na paghihiwalay nila ni Elmo Magalona last year.

Mismong si Janella ang nagsabi na dalawang beses siyang sinaktan nang pisikal ng kanyang ex-boyfriend dahil sa sobrang kalasingan. Hanggang ngayon ay hindi pa rin nagsasalita si Elmo tungkol dito at never din siyang nag-issue ng public apology tulad ng hiling noon ni Janella.

Sa nakaraang media launch ng mga bagong digital anthologies ng Indigital Productions para sa iWant streaming app ng ABS-CBN, isa si Janella sa humarap sa entertainment press para sa three-part digital content na Touch Screen (Wittyrella episode) kung saan bibida rin sina Pokwang at Denise Laurel.

Pagkatapos ng presscon, nakorner ng ilang reporter si Janella at natanong nga kung umaasa pa siyang magpa-public apology si Elmo sa kanya.

“What’s done is done. If you can’t get something out of someone, it’s not worth it to stress out for. It’s just gonna bring me negativity to hope for something that’s not gonna come. So I realized that forgiveness naman doesn’t come from the other side. You can forgive on your own, so that’s what I’m doing,” diretsong sagot ng dalaga.

Patuloy niya, “I learned so much about myself. I’m wiser from the experience. Siguro, since that was my very first time to actually feel those kinds of feelings, I learned what I can tolerate, what I can’t tolerate. The next time it comes in life, mas alam ko na how to handle it.”

Kung matatandaan, sinabi ng nanay ni Janella na si Jenine Desiderio na nag-promise si sa kanya na maglalabas ito ng “video apology” para sa anak pero hindi nga ito tinupad ng binata.

Samantala, speaking of iWant, mapapanood na nga rito simula ngayong March 6 ang original anthology series na Touch Screen kung saan sasagutin ang tanong kung paano nga ba naaapektuhan ng internet, social media, at makabagong teknolohiya ang ating mga buhay at relasyon?

Sa episode na “Wittyrella,” susubuking magpapansin ng fan girl na si Mandy (Janella) sa kanyang celebrity crush gamit ang kanyang Twitter account. Ang hangad niyang mapukaw ang atensyon ng napupusuan ay mauuwi sa pakikipag-away sa isang sikat na account, na ka-close niya pala ang gumagamit.

Matutunghayan naman si Pokwang bilang isang loyal na kasambahay sa episode na “Vixee vs. Inday,” kung saan makakaramdam siya ng pambabalewala mula sa pamilyang pinasilbihan niya ng mahabang panahon sa pagdating ni Vixee, isang smart gadget.

Online dating naman ang sentro sa kwento ng “It’s A Match,” kung saan tampok ang buhay ng isang app developer (Joseph Marco) na makikipagpustahan na kaya niyang pasagutin ang conservative niyang manager na makaka-match niya sa isang dating app.

Ang Touch Screen ang ikaapat sa original digital series mula sa Indigital, na siya ring nagprodus ng film-anthology series na “The End,” feel-good comedy anthology series na “Alamat ng Ano,” at ang erotic-drama anthology series “Hush” na lahat ay mapapanood sa iWant.

Naglalayong magbahagi ng mga kwentong kakaiba at lihis sa ordinaryo, kasama ng Indigital Productions sa paghahadog ng de-kalidad na mga palabas ang independent film directors gaya nina Gino Santos, Jon Red, JP Habac, Mark Meily, Mikhail Red, Lem Lorca, Dondon Santos, Noel Teehankee, Richard Somes, Ronnie Velasco, Topel Lee at Victor Villanueva.

Panoorin ang mga palabas ng Indigital at iba pa nang libre sa iWant sa iOS o Android apps o sa web browser sa iwant.ph. Mas maraming manonood na rin ang makakapag-enjoy sa latest offerings ng iWant dahil maaari na itong i-connect sa TV gamit ang Chromecast at Apple Airplay.

Read more...