Manoy babu na sa Probinsyano: Hanggang doon na lang talaga

EDDIE GARCIA AT COCO MARTIN

PINATAY na ang character ng award-winning veteran actor na si Eddie Garcia sa FPJ’s Ang Probinsyano as Senyor Gustavo/Don Emilio. He was killed while attempting to escape from the group of Cardo Dalisay (Coco Martin).

“It’s a very good teleserye. We had good rapport. I will miss it. Ganu’n talaga sa teleserye. Kapag hanggang doon na lang ang papel mo, hanggang doon na lang,” sabi ng veteran actor sa interview ng ABS-CBN.

“Tito Eddie, walang kapares, walang katulad. Mapa-bida siya, mapa-kontrabida, talagang binibigay niya ang lahat. Hindi niya ‘to tinuturing na trabaho, eh. Makikita mo sa kanya dito ‘yung pagiging passionate niya sa ginagawa niya.

“Sana, after ng Probinsyano, sa susunod na proyekto ko, makasama ko ulit si Tito Eddie,” ayon kay Coco sa post ng Dreamscape Entertainment sa Instagram.

Read more...