Aktor ilang beses naka-jackpot sa sugal pero hindi pa rin mabigyan ng sustento ang anak


SA isang maingay, matao at mausok na lugar ay pinagpipistahan ang isang kilalang male personality na madalas maglagi du’n. May kontrobersiyal na kuwento kasing umiikot ngayon tungkol sa kanya.

Takang-taka ang mga nandu’n tungkol sa isyung ibinabato ngayon sa kanya ng isa niyang ex, tungkol sa datung ang kontrobersiya, sinusumbatan siya ngayon ng isang dati niyang karelasyon.

Parang ayaw maniwala ng mga nandu’n sa akusasyon sa kanya ng babae, parang imposible kunong mangyari ‘yun, dahil may pera naman ang male personality.

Kuwento ng aming source, “Kahit saang sulok ng maingay, mausok at mataong lugar na ‘yun, e, sila ang pinagkukuwentuhan. Parang apoy kasing kumalat agad ang kuwento, kaya natural, natutukan ng mga nandu’n!

“Ang ipinagtataka lang ng mga miron sa lugar na ‘yun, e, kung bakit inakusahan siyang walang i-binibigay na sustento sa anak niya, samantalang, di ba, ilang beses siyang si-nuwerteng manalo ng jackpot?

“Kung totoo ang sinasabi ng girl, e, bakit hindi man lang siya nagpadala ng datung sa anak niya, e, milyones ang pinanalunan niya? Ibig sabihin, kahit piso lang, e, hindi man lang niya naalala ang anak niya?

“Napakalaking halaga ng nasuwertihan niya, nagbigay nga siya ng balato sa mga nandu’n sa casino, tapos, e, hindi man lang pala niya inambunan ang anak niya?” tanong ng a-ming impormante.

Hindi raw naman maramot ang kilalang male personality, meron siyang mga binigyan nu’ng gabing manalo siya nang mil-yones, kaya parang walang gustong maniwala sa mga ikinukuda ng kanyang ex.

Balik-kuwento ng a-ming impormante, “Baka naman kasi nagyayabang ang girl na hindi niya kailangan ang datung nu’ng male personality? May ganu’n kasi, di ba?

“Kahit gustong magbigay ng datung ang lalaki, kung minamaliit naman ng babae ang puwede niyang itulong, walang mangyayari! Talagang hindi na lang magbibigay ng sustento ang guy dahil nagmamalaki ang babae dahil mayaman siya!

“Nakapagtataka ‘yun, ha? Milyones ang hinahawakan nu’ng male personality, pero kahit piso pala naman, e, hindi man lang siya nagpapadala sa anak niya, ano ‘yun?” nakataas ang kilay na pagtatapos ng aming source.

Bradly Guevarra, Tita Nene Ulanday, Jon at Ching Bautista Silverio, kailangan pa bang i-Google kung sinu-sino ang mga bumibida sa kuwentong ito?

Read more...