ININDA ng Habagat Philippine baseball team ang nagawang limang errors para lasapin ang masakit na 2-4 pagkatalo kontra Japan sa pagtatapos ng PONY League Asia-Pacific Regional Qualifiers elimination kahapon sa Rizal Memorial Baseball Stadium.
Nagbigay lamang ng tatlong hits ang Habagat pitcher na si Marvin Trillana na hindi pinalitan sa pitong inning na laro.
ayunman, hindi siya nasuportahan ng magandang depensa para malaglag sa 1-1 baraha ang koponan ng bansa sa 11-12 age group.
Unang nakaiskor ang Pilipinas sa tulong ni leadoff batter Lorenzo Montemayor na naka-single, gumawa ng stolen base at umabot sa third sa fielder’s choice. Ang sacrifice hit ni Basil Taylo ang nagbigay ng unang run sa laro.
Pero sa ibabaw ng second inning ay nagsimulang nagkamit ng sunud-sunod na errors ang Habagat.
Naitabla ni Rey Yamaguchi ang iskor sa error ni Naoki Akita ng Pilipinas.
Si Taisuke Shimura ang nagbigay ng go-ahead run sa sumunod na inning nang nakawala kay third baseman Jose Limpo ang bato ni Trillana sa sana’y pickoff play.
Ibinigay ni Issei Shimokado ang ikalawang run sa laro sa fielder’s choice habang si Abe Yuta ang nag-akyat sa tatlo sa lamang ng Japan sa catching error ni catcher Josh Santillan.
“Makikita mo sa stats kung sino ang maganda ang inilaro. Mga runs ng Japan unearned samantala ang dalawang runs namin ay mga earned runs. Hindi sila nakatama kay Trillana kaya di ko siya pinalitan. Pero mga short ball ang ginawa nila at hindi kami naka-react ng maganda,” wika ni Habagat coach Mike Ochosa sa mga bataan na tumira ng dalawang hits laban sa tatlong Japanese pitchers.
May two-outs na pero nakaiskor pa ng isa ang Habagat sa bottom seven sa single ni Trillana para umiskor si Ron Katignas.
Tinangka ni Joaquin Lijouco na tumungtong sa hit-by-pitch ball, na i-stretch mula second hanggang third base ang kanyang takbo pero magandang relay throw mula kay left fielder Takumi Mizumura patungo sa short stop na si Mizo Shimokado at nagtapos sa third baseman na si Zoei Yanagimachi ang tumapos sa laban.
Papasok pa rin sa semifinal round ang Habagat ngunit makakatapat nila rito ang defending world champion Taiwan para umabante sa championship bukas.