Bagong member ng Hashtag dati lang tambay


Masuwerte si Hashtag Kid Yambao dahil leading man na siya agad sa pelikulang “Two Love You” nina Lassy at Yen Santos na ididirek ni Benedict Mique na siya ring nagdirek ng “ML” (Martial Law) na naging entry sa Ci-nemalaya 2018.

Kaya naman ang tuwa ng baguhang miyembro ng Hashtag na may pelikula na siya.

Inamin ng binata na sadyang nagtiyaga siyang mag-audition para sa ikalawang batch ng Hashtag dahil gusto niyang mag-showbiz at tulungan ang pamilya niya. Hindi rin itinanggi ni Kid na malaki ang naiaambag niya sa gastusin nila sa bahay dahil nanay lang niya ang nagtatrabaho.

Ang tunay na pangalan ni Kid ay Daniel Yambao, 20 years old at laking kalye o masasabing tambay at walang ginawa kundi maglaro ng games sa computer shop.

Mukhang babae si Kid dahil mahaba ang buhok kaya nagtaka kami kung paano siya pinayagan sa high school, “Puwede po kasi modelling school po ako.”

Bukod sa pelikulang “Two Love You” ay kasama rin si Kid sa seryeng Project Kapalaran kasama sina Sylvia Sanchez at Joey Marquez mula sa RSB unit.

“Isa po ako sa anak nina Ms. Sylvia. Mabunga family kami na lahat kaming mga anak ay prutas ang pangalan. Ako po si Apple. Si JM de Guzman po ang panganay namin, tapos si Kiko Estrada as Berry siya ‘yung pasaway. Mabait ako sa pamilya pero chickboy po ako,” kuwento ni Kid tungkol sa karakter niya.

Hindi pa alam kung kailan ang airing ng Project G pero tuluy-tuloy pa rin daw ang taping nila.

Dumaan sa workshop si Kid bago isinalang sa mga guesting nito tulad ng Maalaala Mo Kaya at Ipaglaban Mo.

Good thing nag-workshop muna si Kid bago niyang nakaeksena sina Sylvia at Joey, “Karangalan po na makasama namin ang mga beterano at talagang magagaling po sila at nagbibigay ng mga advice kung ano po ‘yung dapat gawin like panoorin namin ‘yung ganitong pelikula o ganyan, nire-reseach po namin para maaral namin.”

As of now ay kakahiwalay lang ni Kid sa girlfriend niya, mas gusto raw niyang mag-concetrate muna sa career.

Read more...