PANAY ang kulit namin sa isang taong malapit kay Kris Aquino kung ano ang project ng Social Media Queen kasama si Tony Labrusca.
Nag-post kasi si Kris ng litrato nila ng aktor sa Instagram na aniya’y kuha sa ginawa nilang eksena para sa isang proyekto.
Bawal pa raw sabihin ang sabi sa amin at ito rin ang sagot ng manager ni Tony na si Mario Colmenares.
Curious kasi kami kung anong proyekto ito dahil wala naman kaming nabalitaang may gagawin sina Kris at Tony. Basta ang alam lang namin, ipinalabas na kahapon ang director’s cut ng digital film niyang “Glorious” kasama si Angel Aquino na talagang inabangan ng mga manonood mula nang ianunsiyo ng Dreamcape Di-gital head na si Deo Endrinal sa kanyang Facebook page.
Anyway, ang ganda ng litratong ipinost ni Kris kung saan makikitang magkaharap sila ni Tony.
Ang caption dito ni Kris, “The night must end with me saying THANK YOU to @tony.labrusca. I was impressed with you in La Luna Sangre but you made it effortless for me to portray your mother today.
“I cannot say more except- you have my most sincere gratitude for making our 1 scene feel so REAL.”
Kung ibabase sa suot ng dalawa ay pormal ang event na kuha sa isang hotel na ang background ay ang Manila de Bay.
Inakala naman ng ilang netizens na another “Glorious” movie ito pero sinagot ito ni Kris ng, “Nanay niya po ako.”
Masaya ang followers ni Kris dahil muli na naman daw siyang mapapanood sa pelikula.
Sabi ni @shellywatches.ph, “Wow! Ms Kris I miss you on TV and on big screen so excited for this Waaaa I will save the date talaga with my amiga friends to watch this.”
Abangan ang pasabog na project na ito nina Kris at Tony.