Todas sa tigdas, 215 na

UMABOT na sa 215 katao ang nasawi sa tigdas at mahigit 13,000 iba pa ang naospital sa nasabing sakit sa loob ng mahigit isang buwan at kalahati, ayon sa Department of Health.

Sa pinakahuling ulat ng DOH Epidemiology Bureau, tinatayang 13,723 na ang dinapuan ng tigdas kung saan 215 rito ang namatay simula Enero 1 hanggang Pebrero 26.

Nakapagtala naman ang Calabarzon sa pinakamataas na bilang ng mga apektado ng tigtas kung saan umabot sa 68 ang namatay at 3,234 ang nagkasakit.

Sinundan ito ng National Capital Region na may 57 patay at 3,068 nagkasakit.

Idinagdag ng DOH na umabot naman sa 4,190 (31 porsiyento) kaso na may edad isa hanggang a-pat-anyos ang tinamaan ng sakit, na sinundan ng 3,555 (26 porsiyento) kaso na edad na wala pang siyam na buwan.

“At 176 persons or 79 percent of those who died from measles as well as 8,549 people or 62 percent of those who contracted the disease were not vaccinated,” sabi ng DOH.

Read more...