NALUSAW at isa na lamang low pressure area ang bagyong Betty, ayon sa Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration.
Ang LPA ay nasa layong 1,380 sa silangan ng Aparri, Cagayan.
Bago ito ay umakyat sa Typhoon category ang bagyo na may international name na Wutip. Unti-unti itong humina habang papalapit sa bansa dahil sa malamig na Hanging Amihan.
Para sa buwan ng Pebrero ang pinakamababang temperatura na naitala sa Baguio City ay 11 degrees Celsius na naitala noong Pebrero 24 at 26.
Ang pinakamainit na naitala naman sa nakaraang buwan ay 36.5 degrees sa San Jose, Occidental Mindoro noong Pebrero 9.
Sa Metro Manila para sa buwan ng Pebrero ang pinakamainit ay 33.2 degrees Celsius at ang pinakamalamig ay 19 degrees Celsius.
Ngayong taon ang pinakamainit na temperatura na naitala sa bansa ay ang 36.5 degrees Celsius sa San Jose. Ang pinakamalamig ay 9.0 degrees Celsius sa Baguio City.